-- Advertisements --
Pinayagan ni Russian President Vladimir Putin ang mga dating bilanggo na sumabak sa giyera nito sa Ukraine.
Ito ay matapos na amyendahan ng Russian President ang isang batas para ipatawag ang mga reservists kabilang ang mga kalalakihang convicted sa serious crimes gaya ng convicted murderers at drug dealers na pinalaya na.
Ang mga dating bilanggo na convicted sa sex crimes partikular sa mga bata o terorismo ay ipinagbabawal na magsilbi sa military sa Russia.
Sa ilalim din ng Russian law, hindi pinapayagan ang commutation o pagpapababa ng sentensiya kapalit ng mercenary service.
Una ng inanunsiyo ni Putin na nasa 49,000 na mula sa 300,000 reservists ang dineploy sa units na nasa Ukraine mula noong Setyembre.