Inilipat na sa New Bilibid Prison (NBP) ang convicted na si Ferdinand Guerrero na isa sa hinatulang guilty para sa illegal detention sa TV host at comedian na si Vhong Navarro noong 2014.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Corrections ngayong araw.
Ayon sa ahensiya, sinamahan si Guerrero ng kaniyang mga abogado na naunang sumuko sa mga awtoridad kahapon, Mayo 16 sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sumailalim muna si Guerrero sa interview at checkup sa reception at diagnostic center ng Bilibid.
Nanatili ito ng limang araw sa Quarantine cell nang walang visiting privileges na susundan ng mga kinakailangang diagnostic procedures sa loob ng 55 araw.
Una ng sinentensiyahan si Guerero kasama na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong.