-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nadagdagan pa ang mga convicted felon na kusang sumuko sa mga himpilan ng pulis matapos na magbaba ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuko ng mga maagang napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Isinailalim sa kaukulang dokumentasyon sa Casiguran Municipal Police Station ng Sorsogon ang isang convicted rapist.

Dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang magtungo sa himpilan ng pulis ang dating convict.

Noong Agosto 26, 2016 nang mapalaya ang hindi na pinangalanang dating preso matapos na ma-convict sa two-counts ng rape case sa Regional Trial Court Branch 52 sa Lungsod ng Sorsogon.

Halos 15 taon din itong nananatili sa kulungan matapos na masentensiyahan noong Pebrero 6, 2001.

Sinasabing nagpakita ito ng magandang pag-uugali ng nasa kulungan at pinagsisilbihan pa ang sentensya.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang magiging direktiba rito na ikinustodiya na muna sa Casiguran PNP.