-- Advertisements --

Iginagalang umano ng Malacañang ang hatol na guilty ng Quezon City Regional Trial Court sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, parehong matataas na opisyal ng Communit Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ang mag-asawa ay napatunayang guilty sa kasong serious illegal detention at kidnapping at napatawan ng parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, itinuturing nila itong tagumpay ng justice system ng bansa.

Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ng korte ay patunay na umiikot ang gulong hustisya.

Nag-ugat ang kaso sa pagdukot ng komunistang grupo sa apat na sundalo noong 1988 at ginawang hostages sa loob ng halos dalawang buwan.

Naisampa ang kaso noong 1990 pero noong lamang 2014 naaresto ang mag-asawa at nabasahan ng sakdal.

“We respect the decision of the Quezon City court convicting Benito and Wilma Tiamzon for a crime that happened in 1988. The long arm of the law has finally caught up with the Tiamzon couple. We therefore consider this latest court decision as a triumph of the justice system. It clearly shows that the wheels of justice continue to grind,” ani Sec. Roque.