-- Advertisements --
Tumaas ang conviction rate ng mga drug cases sa bansa noong 2018, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Batay sa datos ng PDEA, 41,583 drug-related cases ang naihain sa mga korte noong 2018 at 16,024 dito ang may napanagot.
Ang conviction rate na ito na may katumbas na 46.82 percent ay hindi hamak na mas mataas kumpara sa 35 percent rate noong 2017.
Ayon sa PDEA, ito na rin ang pinakamataas na conviction rate in terms ng mga drug cases na inihain ng ahensya magmula nang maupo sa puwesto si Director General Aaron Aquino noong 2017.