-- Advertisements --
La Union 2

LA UNION – Hindi pa umano tukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek na sangkot sa nangyaring pamamaril na ikinasugat ng limang katao kasama na ang isang Sanguniang Bayan member sa Barangay Nagsabaran Norte sa bayan ng Balaoan, La Union.

Una ng kinilala ng mga Balaoan Police ang sugatan na si Rogelio Obejas Concepcion 61, may asawa.

Kabilang din sa sugatan sina Christian Estrada, 30, may asawa; Bernabe Ordinario Sr, 47, may asawa; Teodorico Magleo, 43, may asawa at Mark Francis Arciaga, 20, binata.

Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang mga biktima na kasalukuyan ginagamot sa Balaoan District Hospital sa Barangay Bungol at sa Lorma Medical Center sa San Fernando City sa lalawigan.

Kung maalala, pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang mga suspek na nakasakay umano sa puting Nissan Urvan na may plakang AO 8335 ang convoy ni Concepcion sa nabanggit na barangay kagabi.

Si Concepcion ay pinsan ng namatay na si dating bise alkalde na si Al-Fred Concepcion na ama nina Balaoan Mayor Aleli at Vice Mayoralty candidate Carlo Concepcio na pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang mga armado kasama ang kanyang body guard na si Mark Jason Ulep noong Nobiembre 14, 2018.