-- Advertisements --

Naipit ng 20 minuto sa isang flyover si Indian Prime Minister Narendra Modi dahil sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Punjab.

Patungo sana sa isang memorial sa northern state si Modi ng ang kaniyang rota ay sinalubong ng mga magsasakang nagpoprotesta.

Hinihiling kasi nila ang pagbibitiw ng isang cabinet minister dahil umano sa anak nito na inakusahang pumaslang sa ilang magsasaka.

Dahil sa pangyayari ay bumalik ang convoy ni Modi sa paliparan dahil sa security lapse.