-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Malaki ang paniniwala ni Maguindanao Second District Rep. Toto Mangudadatu na ang convoy nito ang target ng malakas na pagsabog alas-6:30 noong Sabado ng gabi sa Sitio Pansol, Barangay Macasampen, Guindulungan, Maguindanao.

Ayon sa opisyal, nasa mahigit 10 sasakyan silang convoy at padaan sa nabanggit na lugar nang may mga kalalakihan na sakay ng motorsiklo ang tumapon ng bomba.

Kinumpirma naman ng hepe Guindulungan Municipal Police Station na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog.

Pulitika naman ang tinitingnang motibo ng opisyal sa pagpapasabog ngunit hindi rin nito matukoy kung sinong kalaban nito sa pulitika ang may kagagawan.

Kaugnay nito, naka-heigtened alert status ang buong Guindulungan at ang pamamahay ng opisyal sa posibilidad na muling gagawa ng karahasan ang mga armadong kalalakihan.

Nagpapasalamat naman ang mga otoridad na walang nasugatan o namatay sa pagsabog.

Inaalam pa sa ngayon ng mga bomb expert kung anung uri ng bomba ang pinasabog habang wala namang naitalang nasugatan sa pagsabog.