-- Advertisements --

Nagtala ang Creamline Cool Smashers ng record matapos na nakuha nila ang kauna-unahang Grand Slam na panalo sa 2024 Invitational Conference champions.

Tinalo kasi nila ang Cignal HD Spikers sa one-game title showdown sa score na 21-25, 25-17, 20-25, 26-24, 15-13 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nakuha lahat ng Cool Smashers ang titulo sa 2024 season ng magwagi sila sa All-Filipino Conference, Reinforced Conference at ang nine-day invitational tournament.

Ito na rin ang pang-10 PVL crown ng Creamline kung saan tila nakabawi sila dahil noong nakaraang taon ay nagkampeon ang Kurashiki Ablaze ng Japan.