VIGAN CITY – Hinigpitan pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang coordination at monitoring sa mga local government unit sa Northern Luzon, lalo na sa bahagi ng Isabela- Cagayan area bilang paghahanda sa inaasahang pag-landfall ng Bagyo Ramon ngayong araw o bukas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, nabanggit nito na halos sabay umanong ginagawa ng mga concerned units ang relief operations at disaster preparedness sa Isabela- Cagayan area na una nang sinalanta ng Bagyo Quiel at ngayon ay siyang tinutumbok na direksyon muli ng Bagyo Ramon.
Kasabay nito, tiniyak ni Timbal na nakahanda at sapat ang mga ayudang ibibigay sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyo at ng paparating na bagyo.
Hiling naman nito na sa publiko na sumunod sa mga paalala at kaagad na mag-evacuate kung kinakailangan kahit hindi pa masyadong ramdam ang epekto ng Bagyo Ramon upang hindi mapahamak at maiwasang mayroong maitalang casualty.