Nangako ang nasa 45 bansa kabilang ang Pilipinas ng agarang aksiyon at investment para maproteksiyunan ang kalikasan mula sa hamon ng climate change.
Sa isang official statement na inisyu sa UN climate summit sa Glasgow, Scotland, binigyang diin na mahalaga na matugunan ang problema sa global warming dulot ng deforestation, pagsasaka at iba pang pagbabago sa paggamit ng land resources na nakakapag-contribute ng nasa quarter na heat emission sa mundo kasabay na rin ng pagdami ng populasyon.
Ngayong araw, nakapokus ang pagpupulong sa COP26 sa mga hakbangin na malimitahan ang pagtaas ng global temperature ng hanggang 1.5 degrees Celsius na maituturing na “toughest ambition” sa 2015 Paris climate agreement.
Kabilang pa sa mga bansang nangako na may major economies ang United States, Japan at Germany at developing nations gaya ng India, Indonesia, Morocco, Vietnam, Gabon, Ethiopia, Ghana at Uruguay.