Umeksena rin ang nasa 46 na mga world’s least developed countries sa ginaganap ngayon na climate change summit sa Glasglow, Scotland.
Desperadong nakiusap ang mga mahihirap na bansa na kailangan nila ng tulong upang maibsan ang epekto ng climate change.
Una nang nangako ang mga mayayamang bansa na maglalaan ng $100 billion kada taon simula nitong nakalipas na taon para sa developing countries pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.
Ayon naman sa mga mahihirap na bansa, ang naturang halaga ay hindi pa rin daw makakasapat sa tindi ng epekto sa balik ng kalikasan sa mga tao.
Inihalimbawa ng ilang mga negosyador kung meron mga climate disaster o sakuna at kailangan na umutang, inaabot pa raw ito ng apat na taon hanggang limang taon bago aprubahan.
Samantala, inaasahan naman na iaanunsyo bukas ang pagpayag ng 20 mga bansa na hindi na siya papayag na pondohan pa ang mga proyekto na mga kinalaman sa fossil fuel at isasama na ang oil at gas projects na lalong nakakadagdag sa pag-init ng mundo at lalong maiwasan ang climate disaster.