Nagresulta umano sa hindi matibay na konklusyon ang United Nations climate talks pagkatapos ang dalawang linggo na debate.
Nabigo pa rin ang mga partisipante na malutas ang ilang pangunahing mga hindi pagkakaunawaan o gumawa ng mga plano sa pagputol ng carbon emission na kailangan upang limitahan ang global warming sa 1.5 degree Celcius.
Sinabi ni COP26 President Alok Sharma sa mga delegado na binabantayan sila ng mundo kung kaya’t inatasan niya ang mga ito na panatilihing buhayin ang Paris Agreement temperature goals kahit na ang mga kalamidad na dulot ng klima ay tumama sa mga bansa sa buong mundo.
Ang unang mga araw ng summit ay gumawa ng headlines sa buong mundo dahil sa pangako na bawasan ang mga emisyon ng methane hanggang sa isang plano upang iligtas ang mga rainforest.
Ngunit ang mga developments ay natigil sa dahil sa teknikal na aspeto at ngayon ay nasa minister-level negotiations.
Sa isang araw na natitira sa mga naka-iskedyul na pag-uusap, ang mga bansa ay halos hindi na magkasundo sa pambansang plano nito na putulin ang carbon emission.
Ilang mga aktibista ang nababahala sa halos walang development na UN climate talks lalo pa’t ang katotohanan ay ang kapaligiran ay walang pakialam sa mga pangako.
Nagmamalasakit lamang ito sa kung ano ang ilalagay natin o itigil ang paglalagay dito.
Ang sangkatauhan ay hindi maliligtas sa pamamagitan ng mga pangako. (with report from Bombo Jane Buna)