-- Advertisements --

Pinalawig pa ng isang araw ang ang ginaganap COP26 sa Glasgow, Scotland.

Ilang mga kasunduan ang nabuo sa pagitan ng grupo ng mga bansa.

Kabilang na dito ang pagbuo ng bagong alyansa ng mga bansa na tapusin ang paggamit ng langis at gas at ang pagbibigay ng lisensiya sa mga nais magsagawa ng oil exploration.

Ang anunsiyo ng US at European Union na pagbawas ng emmision ng greenhouse gas methane hanggang 2030.

Mahigit 40 bansa ang nangako na ititigil na ang paggamit ng coal pero hindi pumirma dito ang China at US.

Mahigit 100 bansa rin ang nangako na tapusin ang reverse deforestation hanggang 2030 kabilang ang Brazil kung saan matatagpuan ang Amazon rainforest at ang surpresang anunsiyo ng US at China magsam para limitahan ang pandaigdigang temperatura ng hanggang 1.5 degree celcius.