Nasa halos 200 bansa sa UN climate change summit sa Glasgow ang nangako na muling balikan at palakasing ang kanilang 2030 emissions reductions plans sa susunod na taon.
Bukas pa rin naman daw ang mga ito sa crucial 1.5 degrees Celsius temperature goal.
Kabuuang 196 na bansa na nagkaroon ng pagpupulong sa Glasgow ang nangako na palalakasin pa nila ang kanilang 2030 climate plans para maiwasan ang mapanganib na dulot ng global warming.
Ang naturang hakbang ay para mapabilis ang fossil fuel subsidies at mabawasan din ang paggamit ng coal.
Dahil sa mga pledges sa COP26, posible umanong mas mainit ang mundo sa 2.4°C ngayong century na mas mababa sa pagtaya ng mga eksperto na 2.7°C.
Posible pa raw itong tumaas kapag magkakaroon ng extreme climate impacts at kapag malalagpasan ng mga bansa ang kanilang shared goals na 1.5°C at mas mababa sa 2°C.