Hinimok ngayon ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang mga ministers at negotiators sa COP26 na makipagtulungan at magkaisa para matugunan ang umano’y “ambitious action” sa climate change.
Sinabi ng prime minister, dapat umano ay handa rin ang mga bansang magkaroon ng matapang na paninindigan at ambitious commitments sa pagtugon sa climate change.
Patuloy naman ang pagpupulong ng mga world leaders sa Glasgow at isa sa mga pinag-uusapan ay kung paano malimitahan ang global temperature na tumaas sa 1.5 degrees Celsius.
Samantala, sa bagong development, ipinanukala naman ni Environment Secretary George Eustice na nasa summit na nais daw ng gobyerno na maipakilala o ma-introduce ang carbon border tax.
Saklaw daw nito ang tax on goods gaya ng pagkain, mobile phones o cement na dinadala sa UK mula sa mga bansang hindi kayang abutin ang obligations ng UK sa climate action.
Samantala nasa 100 climate change demonstrations naman ang nagsagawa ng kanilang protesta sa ilang bahagi ng UK kabilang na ang Glasgow, London at Cardiff.
Kahalintulad ding events ang isinagawa sa Kenya, Turkey, France, Brazil, Australia at Canada.