-- Advertisements --

Posibleng pumalo sa all-time high ang carbon dioxide emissions na nagmumula sa fossil fuels na itinuturing na main driver ng climate change ngayong taon.
Ito ang inihayag ng mga siyentista sa nagpapatuloy na COP27 climate summit sa Egypt.
Nakikitang tataas ng mahigit sa 2% ang emissions mula sa oil bunsod ng patuloy na pag-rebound ng aviation kumpara sa nakalipas na taon habang ang emissions naman mula sa coal na nag-peak noong 2014 ay inaasahang tataas pa.
Ayon kay Glen Peters, research director sa CICERO climate research institute, ang oil emission ay bunsod ng unti-unting recovery mula sa covid-19 habang sa coal at gas emission ay bunsod ng giyera na nangyayari sa Ukraine.
Lumalabas naman sa projections ngayong 2022, ang global carbon dioxide emissions mula sa mga resources kabilang ang deforestation at land use ay papalo sa 40.6 billion tonnes.