-- Advertisements --
image 452

May posibilidad na ang mga kinuha umanong corals mula sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) ay ginagamit ng China bilang mga materyales para sa mga dekorasyon, palamuti, at alahas.

Ito ang inihayag ng maritime law expert na si Jay Batongbacal.

Saad pa ng maritime expert na ginagamit umano ang mga coral bilang mga materyales gaya ng paggawa ng mga estatwa at palamuti sa halip na ivory.

Gayundin ginagamit nila umano ang mga coral sa paggawa ng alahas at iba pang bagay.

Ipinaliwanag ni Batongbacal, na siya ring direktor ng University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na ang pagkuha o pag-harvest ng mga corals ay maaaring makaapekto hindi lamang sa kapaligiran, kundi pati na rin sa food security ng bansa.

Matatandaan na sinabi ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WesCom) noong Sabado na may mga kaso ng massive coral harvesting sa kahabaan ng Rozul (Iroquois) Reef na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay AFP-WesCom Vice Admiral Albert Carlos natuklasan ito nang magpadala ang militar ng mga diver upang magsagawa ng underwaters survey pagkatapos umalis ang mga Chinese militia vessels na dumagsa sa lugar.

Gayunpaman, nilinaw ni Carlos na hindi conclusive o malinaw kung ang Chinese vessels nga ang responsable sa pagkuha ng mga coral mula sa Rozul Reef.