BAGUIO CITY – Nakasungkit ang choral group mula sa Cordillera Regional Science High School (CRSHS) ng gold medal sa Level 1 ng Teenagers Category at isa pang gold medal sa Level 4 ng Championship Qualifier ng 8th Bali International Choir Festival na ginanap sa Indonesia.
Nakibahagi sa choir festival ang 99 na choral groups mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Nagtamo ang nasabing choir group mula sa La Trinidad, Benguet ng 81.65 points sa Folkloric Championship na nagresulta upang makasungkit ang grupo ng karagdagang gintong medalya.
Ang CRSHS ang kauna-unahang paaralan sa Cordillera Administrative Region na naging kinawatan ng Pilipinas sa international choral competition.
Nagsilbing judge sa kompetisiyon ang 16 nga internationally choral experts.
Ang Bali International Choral Society ay isang proyekto para sa iba’t-ibang lebel ng choir kung saan lumalahok dito ang mga institusiyon tulad ng mga paaralan at simbaan na nanggagaling sa iba’t-ibang bansa.