-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-Magsasampa umano ng kaso sa Supreme Court sa susunod na mga araw ang Cordiller Peoples Alliance laban sa pagpapatayo ng Chico River Pump Irrigation Project.

Sinabi ni Santi Merro, vice chairman ng CPA na layon nilang ipatigil ang pagpapagawa ng nasabing proyekto.

Ayon sa kanya,hindi sila kumbinsido na makakatulong sa mga sakahan sa ilang bahagi ng Kalinga at Cagayan ang nasabing irigasyon.

Bukod dito, sinabi niya wala rin umanong isinagawang konsultasyon ang National Commission for Indigineous People sa mga katutubong maaepektuhan sa proyekto.

Sinabi pa ni Merro na kukwestyunin din nila ang legalidad ng loan agreement sa pagitan ng China at Pilipinas para sa nasabing proyekto.

Idinagdag pa ni Mero na nakikiisa sila sa pahayag ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang ibabayad sa utang ng bansa sa China ay ang Reed Bank na ginamit umano na collateral sa nasabing loan.