-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nasa Cagayan de Oro City Jail na ang kinilalang core leader at trustee ng virtual currency Ploutos Coins founder ni Mark Freeman na si Kent Troy Slly Ortega Lagang sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos kabilang si Lagang na taga-Barangay Macasandig nang naaresto ng pulisya sa inilunsad na ‘Oplan Galugad’ ng sa ilang lugar ng lungsod noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Police Corporal Reymund Bual Daisog ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) na hinuli si Lagang dahil sa inilabas na warrant of arrest ni Regional Trial Court Branch 20 Judge Bonifacio Macabaya sa kasong syndicated estafa.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng National Bureau of Investigation (NBI-10) ang mismong founder ng virtual currency na Ploutos Coins na si Mark Freeman.

Unang lumitaw ang reklamo laban kay Freeman noong Agosto 2018 kung saan napatunayan ng Security and Exchange Commission at ibang government regulatory bodies na isang investment scam ang Ploutos Coins na pinatatakbo ni Freeman.