-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inamin ng pambato ng Iloilo City na pressured siya na makuha ang korona sa Binibining Pilipinas 2020-2021.

Ito ay kasunod ng panalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Miss Iloilo Binibini 2020 Karen Laurrie Mendoza, sinabi nito na mithiin nila ni Rabiya na maging drought breaker dahil ilang dekada na umano na hindi nakakakuha ng national crown ang Iloilo City.

Sa ngayon ayon sa 24 anyos na Ilongga beauty, todo handa na siya sa Binibining Pilipinas 2020-2021 na posibleng isasagawa sa Abril sa susunod na taon.

Matandaang orihinal na naka-schedule ang Bb Pilipinas pageant noong Mayo ngunit ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic.