Magiging limitado lamang ang audience na papayagang manood sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.
Gaganapin kasi ito sa Panglao, Bohol sa Setyembre 30.
Ayon sa Miss Universe Philippines (MUP) Organizations na hanggang 100 live audience lamang ang kanilang papayagan sa venue.
Ang mga ito ay nakabili ng “gold” tickets na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.
Nararapat ang mga ito ay fully vaccinated na at magpakita rin ng mga negatibong swab test results.
Mayroong 28 na kandidata ang maghaharap para makuha ang prestisyosong korona.
Magiging host si KC Montero habang haharanahin naman ni Michael Pangilinan ang mga contestants.
Nakalagay kasi sa general community quarantine (GCQ) with heigthened restrictions ang Bohol mula Setyembre 24-30.