-- Advertisements --

Ipinagpaliban muli ng organizers ng Miss World Philippines pageant ang kanilang coronation night dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR).

MIss World 2
Miss World IG Post

Sa inilabas na anunisyo ng organizers na hindi muna nila itutuloy ang nasabing coronation night sa darating na August 8, 2021.

Wala pang petsa na ibinigay ang organizers kung kailangan itutuloy ang nasabing coronation night.

Magugunitang unang itinakda ang nasabing coronation night noong Hulyo 25 at ito ay inilipat sa August 8 dahil inilagay ng gobyerno ang Metro Manila sa General Community Quarantine with heightened restrictions.

Sa nasabing unang pagpapaliban ay pumili ang mga kandidata para maging representante ng Miss Supranational beauty pageant na si Dindi Pajares ng Orani Bataan.

Magtutungo sa si Pajares sa Poland para sumabak sa nasabing pagaent na magsisimula sa Agosto 21.

Sa nasabing pageant ay pipiliin ang magiging representative ng bansa sa Miss Eco International Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Tourism Philippines, Miss Environment International Philippines, Miss Eco Teen International Philippines at Miss Multinational Philipines.