Inanunsyo ng mga organizer ng Miss Universe Philippines (MUPH) 2025 ang petsa ng inaabangang coronation night na Gaganapin sa Mayo 2, 2025 na mag-uumpisa sa ng alas-6 ng gabi sa kilalang mall sa Pasay City.
Habang ang mga detalye ukol sa pagbili ng ticket ay ilalabas sa mga susunod na araw, ayon sa isang post sa social media ng MUPH nitong Huwebes.
Ngayon ang edition ng MUPH ay inilalarawan bilang ‘Puksuan’ dahil sa mga previous queens na sumali at tinaguriang malalakas. Bukod sa mga bagong mukha, kabilang sa kasalukuyang batch ang mga batikang beauty queens tulad ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez, Miss Earth Air 2023 Yllana Aduana, Miss International 2018 first runner-up Athisa Manalo, at dating Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez.
Samantala pamumunuan naman ni dating 2013 Miss Universe 3rd Runner up Ariela Arida ang MUPH 2025 bilang bagong bagong talagang national director na pumalit kay Shamcey Supsup.
Tinututukan na ng mga tagasuporta ang paparating na kaganapan, at mataas ang mga inaasahan para exciting na kompetisyon ng kilalang beauty pageant sa mundo.