-- Advertisements --

Lumalabas sa resulta ng isinagawang inisyal na clinical trial sa CoronaVac COVID-19 vaccine na ligtas ito at may malakas na antibody response para sa mga bata at kabataan.

Nagsagawa ng randomized clinical trial ang mga Chinese researchers sa mahigit 500 malulusog na mga minors at kabataan edad 3 hanggang 17-anyos sa China.

Ipinapakita ng resulta na mahigit 96% ng mga minors at kabataan na nabakunahan ng dalawang doses ng coronavac vaccine sa isinagawang trial ay nakakabuo ng antibodies na panlaban sa novel coronavirus ayon sa pag-aaral.

Kalimitan sa mga naramdamang adverse reaction ay mild o moderate at karamihan sa naitalang sintomas ay pananakit sa injection site. (with reports from Bombo Everly Rico)