-- Advertisements --

Tuloy tuloy pa ring nadadagdagan ang mga namamatay dahil sa Wuhan coronavirus lalo na sa mainland China na umabot na sa 425 ang mga nasawi mula noong buwan ng Disyembre.

Dahil sa may namatay din na dalawa sa labas ng China na isa ang nagmula sa Wuhan na bumiyahe ng Pilipinas at nitong araw naman ay isang 39-taong gulang na lalaki rin ang nakumpirmang namatay sa Hong Kong.

Batay sa huling tala ng China’s Hong Kong Special Administrative Region (SAR), 15 na ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Hong Kong.

Sa ngayon nasa 427 na ang death toll dahil sa 2019-novel coronavirus acute respiratory diseases.

Ayon sa China’s National Health Commission umaabot na rin sa kabuuang 20,438 ang mga kaso ng NCov sa mainland China.

Kahapon lamang ng lunes iniulat ng mga otoridad sa China na umabot sa 64 katao ang binawian na rin ng buhay doon lamang sa Hubei Province.

Sa kabila nito, meron naman daw kabuuang 632 na mga pasyente ang napagaling na.

Samantala, gagamutin naman ng Wuhan ang mga pasyenteng nakararanas ng mild pneumonia sanhi ng NCov sa mga shelter hospitals.

Napagdesisyunan din ng lokal na pamahalaan na gawing shelter hospitals ang Hongshan Stadium at Wuhan International Conference & Exhibition Center.