-- Advertisements --

Itinaas na sa level 4 mula sa dating level 3 ang coronavirus alert level sa United Kingdom.

Nangangahulugan nito na mas bumilis ang hawaan at pagtaas ng kaso.

Ang nasabing pagtaas ay kasunod ng banta ng scientific adviser na mayroong 50,000 na bagong kaso ng coronavirus sa loob ng isang araw.

Ang nasabing alert ay nirekomenda ng Joint Biosecurity Center na noong Hunyo ay ibinaba na sa level 3 mula sa dating level 4.

Nakatakdang magtalumpati naman si Prime Minister Boris Johnson sa House of Commons sa darating na Miyerkules.

Nitong Lunes ay mayroong 4,368 na kaso ng COVID-19 ang naitala mula sa dating 3,899 noong Linggo.