-- Advertisements --
shi zengli 2
China’s top virologist Shi Zengli warns COVID-19 is just ‘tip of the iceberg.’

Inamin ng isang researcher mula sa Wuhan Institute of Virology na tinupad ng laboratoryo ang kanilang tungkulin na ibahagi sa World Health Organization ang mga datos na kanilang nakalap tungkol sa coronavirus disease.

Ayon sa virologist na si Shi Zhengli na ipinasa ng institusyon ang genome sequence ng virus sa WHO noong Enero 12.

Dagdag pa nito na kung nanaisin ng bawat bansa na maiwasan ang outbreak ng nakamamatay na virus ay dapat muna nitong aralin ang mga hindi pa kilalang virus na matatagpuan sa mga wild animals.

Hindi naman ito nagkomento tungkol sa ibinabatong akusasyon ng Estados Unidos kung saan sa kanila itinuturo ang dahilan kung bakit kumalat ang virus.

Kilala si Shi bilang “bat woman” sa China dahil sa kamangha-mangha nitong virus-hunting treks sa mga bat caves. Minsan pa itong nabalitang nawawala habang hawak ang mga datos tungkol sa COVID-19.