Ipinag-utos ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang tuluyang pagsasara ng border ng China bilang tugon sa panawagan ng mamamayan na pigilan ang sinoman mula China na makapasok sa kanilang lungsod.
Simula mamayang gabi ay isasara na ang borders sa Lo Wuk at Lok Ma Chau pati na rin ang Hong Kong-Macau Ferry Terminal.
Mananatili namang bukas ang checkpoint sa Shenzhen Bay at Hong Kong-Zhuhai-Macau Bridge.
Binigyang-diin din ni Lam na kakailanganin ng lungsod na magtayo ng marami pang quarantine camps para sa isolation ng mga taong dadapuan ng virus.
“If anyone thinks that by resorting to such extreme measures the government will be made to do something that is not rational or something that will only harm the public they will not get anywhere,” saad ni Lam.