-- Advertisements --

Isinailalim muli sa lockdown ng gobyerno sa rehiyon ng Catalonia sa Spain ang bahagi ng Segrià matapos ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay President Quim Torra, walang papayagang makapasok o lumabas sa Segrià, na may populasyon na 210,000 katao.

“We’ve decided to confine Segria due to data that confirm too significant a growth in the number of COVID-19 infections,” wika ni Torra.

“We are taking a step back to protect ourselves and control the outbreak,” dagdag nito.

Binigyan din ng taning ang mga hindi residente na makaalis sa Segrià, habang ang mga residente naman ay inabisuhang huwag munang magtutungo sa ibang mga bayan.

Nitong Sabado ng hapon (local time) nang simulan ang lockdown sa nasabing lugar.

Isa ang Catalonia sa mga rehiyon sa Spain na pinakaapektado ng coronavirus.

Sa pinakahuling datos, may naitalang 72,860 kumpirmadong COVID-19 cases sa naturang rehiyon, at may 12,586 deaths. (BBC/ Al Jazeera)