-- Advertisements --

Tinatayang nasa 428 American nationals ang sakay ng Diamond Princess cruise ship na kasalukuyang naka-quarantine sa Yokohama port sa Japan.

Sinisigurado naman ng U.S. Embassy na ligtas at nasa maayos na kalagayan ng mga Amerikano.

Patuloy rin umano na nakikipag-uganayan ang Estados Unidos sa mga otoridad at ibibigay ang mga kinakailangang consular assistance ng American tourists na sakay ng naturang barko.

Kinumpirma naman ng Japan health ministry na 10 sa mga naka-quarantine ay may Wuhan coronavirus na kaagad namang dinala sa ospital para i-monitor.

Batay sa karagdagang impormasyon, isang dating pasahero ng cruise ship ang nakumpirma na may sakit ngunit stable na ang kondisyon nito sa Hong Kong.

May lulan na 2,666 pasahero at 1,045 crew members ang nasabing cruise ship.