-- Advertisements --
Tinanggal na ng Serbian government ang plano nitong pagpatupad ng coronavirus curfew sa darating weekend sa Belgrade.
Ito ay matapos ang naganap na dalawang gabi na kilos protesta sa nasabing capital town ng bansa.
Sinabi ni Prime Minister Ana Brnabic, pagbabawalan na lamang nila ang pagtitipon ng mga mahigit 10 tao.
Nauna rito maraming mga kapulisan ang nasugatan ng magkasagupa sila ng mga protesters na tumutuligsa sa nasabing curfew.
Nais kasi ni Serbian President Aleksandar Vucic na magpatupad ng curfew dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.