-- Advertisements --

Humingi ng tulong ang United Nations para sa karagdagang $6.7 billion dollars na pondo upang tulungan ang mga bansang nahihirapang bumangon dahil sa coronavirus pandemic.

Ang naturang proyektong ito ay magbibigay ng medicine at food supplies sa mga bansa na may malaking problema sa healthcare system.

Sa ngayon ay nakalikom na ang UN ng halos $923 million mula sa Japan, Estados Unidos at 54 na bansa.

Nais gamitin ng US ang dagdag pondo para patatagin pa ang suportang ibinibigay sa siyam na nasyon tulad ng Mozambique at Pakistan.