-- Advertisements --
WHO Wuhan coronavirus China nCoV

Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na isang Public Enemy Number 1 na ang Corona Virus Disease.

Hinikayat ng WHO ang mga bansa na ipagpatuloy ang hakbang para mapigilang kumalat ang virus.

Ayon kay WHO director-general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat aniya na ituring ng mga bansa na ang coronavirus ay isang terorista at isang malaking banta sa kanila.

Magugunitang pinangalanan na ng WHO ang coronavirus bilang COVID-19 para maiwasan ang anumang pagkalito at maiwasan din na ipasa sa China ang pagkakasala sa pagkalat ng virus.

Tiniyak din ng WHO na maaaring abutin hanggang 18 buwan bago tuluyang makahanap ng gamot sa nasabing virus na kumitil na ng mahigit 1,000 katao at dumapo na sa 45,000 katao sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ang mga scientists at eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo na aabot sa mahigit 400 ay pinupulong ngayon ng WHO upang makahanap ng mabisang solusyon laban sa deadly virus.

“Today we activated a @UN Crisis Management Team, to be led by DrMikeRyan. to ensure @WHO focuses on the response to #COVID19 while other agencies bring their expertise on the social, economic and developmental implications of the outbreak,” bahagi pa ng Twitter post ni Ghebreyesus. “Researchers from around the world are meeting at @WHO for a research & innovation forum on #COVID19. The first vaccine could be ready in 18 months, In the meantime, there’s a lot we can do to prevent transmission and prepare for any further spread.”

WHO COVID 19