-- Advertisements --
johns map 1

Tumaas pa sa 10,023 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansang Italy bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa Civil Protection Agency, nadagdagan ito ng 889 mula nang ilabas ang pinakahuling figures noong nakalipas na araw.

Maging ang mga kaso ng coronavirus ay lomobo pa ng 3,651, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng active cases sa 70,065.

Marami sa mga namamatay sa Italy ay matatanda.

Ang Italy ang itinuturing na epicenter ng deadly virus kung saan nalampasan pa ang unang binansagang ground zero sa China.

Batay sa Johns Hopkins University record, merong kabuuang mahigit 81,000 kaso ang China at mahigit naman sa 3,000 ang death toll.

Bagamat ang Estados Unidos ang may pinakamaraming kaso na mahigit sa 105,000 nasa mahigit 1,700 naman ang mga nasawi.

Samantala, nakatanggap na umano ng donasyon na pumapalo ng mahigit $68-milyon ang Italy, na kanilang ilalaan sa pagbili ng karagdagang surgical masks at ventilators.

Ayon kay Angelo Borelli, pinuno ng Italian Civil Protection Department, nanggaling ang mga donasyon sa mga private donors at kumpanya, kasama na ang fashion house na Armani at may-ari ng soccer team na Juventus.

Sinabi rin ni Borelli, dadagdagan pa ng nag-iisang producer ng ventilators sa Italy ang kanilang produksyon.

Nasa 11,636 na rin aniya ang nagboluntaryong tumulong sa Italian Civil Protection kaugnay sa coronavirus crisis.

Mahigit 7,714 tugon naman ang natanggap ng gobyerno mula sa mga dating nurse na nais bumalik sa medical practice. (CNN)

graph data

Source: Graph data from Coronavirus España (@covid19esp_)