Nangako ang mga leader na kasapi ng Group of 20 major economies na magkakaisa ang mga ito para labanan ang coronavirus pandemic na kinakaharap ng buong mundo.
Prayoridad umano ng mga ito na talakayin ang mga paksa tungkol sa kalusugan, social at economic impacts ng COVID-19.
Sa ibinahaging joint statement matapos ang isinagawang G20 virtual conference, nakasaad dito na pinaplantsa na ng G20 leaders ang planong paglalagak ng $5 trillion o halos P254 trillion para tulungan ang global economy na matinding naapektuhan ng krisis.
Hindi naman nakadetalye sa G20 statement kung saan kukunin ang nabanggit na halaga ngunit tila kukunin ito sa stimulus plans ng iba’t ibang gobyerno.
“We are injecting over $5 trillion into the global economy, as part of targeted fiscal policy, economic measures, and guarantee schemes to counteract the social, economic and financial impacts of the pandemic,” saad sa pahayag.
“We will share timely and transparent information; exchange epidemiological and clinical data; share materials necessary for research and development; and strengthen health systems globally,”
“Consistent with the needs of our citizens, we will work to ensure the flow of vital medical supplies, critical agricultural products, and other goods and services across borders, and work to resolve disruptions to the global supply chains,”
Kasama na rito ang $2 trillion coronavirus relief package ng Estados Unidos na ngayon ay nakabinbin pa sa U.S Congress.
Ang naturang hakbang ay kasunod nang pagpapatupad ng mga bansa ng export ban sa mga medical supplies.
Handa umanong makipagtulungan ang G20 leaders sa mga bansang ito para siguraduhin na patuloy pa rin ang paggalaw ng mga medical supples at iba pang pangangailangan.
Nagpahayag din ang mga ito nang pag-aalala para sa mga fragile countries tulad ng Africa maging sa kalagayan ng mga refugees.
Ipinatawag ng Saudi Arabia ang naturang video summit matapos ang batikos na natanggap dahil sa di-umano’y mabagal na pagtugon ng grupo laban sa virus.