Pinalawig pa ng 15 araw ng Croatia ang ipinapatupad nilang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
“We decided to extend the measures for 15 days, until May 4,” wika ni nterior Minister Davor Bozinovic.
Pero ayon kay Bozinovic, pinag-aaralan na raw ng pamahalaan kung posible bang luwagan ang ilang mga hakbang upang makatulong sa kanilang ekonomiya habang pinapangalagaan din ang kalusugan ng kanilang mamamayan.
Ilan aniya sa kanilang mga inaaral ang pagpapaluwag sa restriksyon sa pag-alis ng mga tao sa kanilang tahanan, ngunit hindi sila maaaring lumabas sa rehiyon na kanilang kinaroronan.
Mananatiling ipinagbabawal ang pagtungo sa ibang mga rehiyon maliban na lamang kung may permit ang mga ito para sa partikular nilang lakad o medikal na rason.
Wala namang binigay si Bozinovic na timeline kung kailan posibleng maglabas ng pasya ang kanilang gobyerno.
Nakatakda namang magpulong ang pamahalaan sa darating na Huwebes.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala na ng 1,832 cases ng COVID-19, at may 39 deaths. (Reuters)