-- Advertisements --

Napagdesisyunan ni New York City Mayor Bill de Blasio ang pagpapasara ngayong araw sa mga eskwelahan, restaurants, bars at iba pang pampublikong establisimyento bilang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus infectious diease (COVID-19).

Ito’y kasunod nang anunsyo ng Estados Unidos na isasama na ang United Kingdom at Republic of Ireland sa ipinatupad na travel ban.

Sa huling tala, 69 na ang namamatay sa Amerika dahil sa coronavirus habang 3,774 naman ang apektado.

Karamihan naman ng namamatay sa New York ay may edad na 53-82 taong gulang.

Una nang isiniwalat ng isang US health official na palpak ang coronavirus testing system ng Amerika.