-- Advertisements --

Lumabas sa bagong pagsusuri ng mga Chinese experts na posible umanong mailipat ang 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19 sa pamamagitan nang pakikipagtalik.

Isinailalim ng isang medical team mula sa Shangqui Municipal Hospital ang 38 lalaking pasyente na naka-admit sa nasabing ospital simula nang kumalat ang pandemic sa China noong Enero at Pebrero.

Base sa resulta, 16% sa mga ito ang nakitaan ng coronavirus sa kanilang semilya. Kalahati sa kanila ay nasa acute stage na ng impeksyon at 9% lamang ang naka-recover.

Paliwanag ng mga siyentipiko kahit hindi umano kayang mag-replicate ng virus sa reproductive system ng mga lalaki ay posible pa rin itong manatili dahil sa tinatawag na “privileged immunity” ng testicles.

Ibig sabihin kasi ng “privileged community” ay hindi kakayanin ng immune system nito na tuluyang labanan ang pagpasok ng nakamamatay na virus sa katawan ng lalaking pasyente.

Hindi na raw kagulat-gulat ang ganitong pag-aaral dahil karamihan ng mga virus ay kayang mamuhay sa male reproductive tract tulad ng nangyari noon sa Ebola at Zika virus.

“If it could be proved that SARS-CoV-2 can be transmitted sexually in future studies, sexual transmission might be a critical part of the prevention of transmission,” saad ng mga eksperto.

“Abstinence or condom use might be considered as preventive means for these patients. In addition, it is worth noting that there is a need for studies monitoring fetal development. Therefore, to avoid contact with the patient’s saliva and blood may not be enough, since the survival of SARS-CoV-2 in a recovering patient’s semen maintains the likelihood to infect others.”