Nadagdagan pa ang mga estado sa United States na naglalabas ng mga impormasyon hinggil sa tunay na bilang ng mga coronavirus patients na nasa nursing homes at long-term care facilities.
Dahil ito sa patuloy na natatanggap nilang pressure mula sa publiko patungkol sa transparent information kung saan lumabas sa datos na halos 16,000 residente at staff na ang namamatay dulot ng coronavirus disease.
Nakapagtala ang Maryland ng 97 residente na infected ng nakamamatay na virus at 34 na ang namamatay mula sa Sagepoint Nursing and Rehabilitation.
Umabot naman ng 86% mula sa 575 long-term facilites sa New Jersey ang naapektuhana na rin ng coronavirus.
Habang kalahati sa mga naitalang patay sa Colorado, Kentucky at Pennsylvania ay nagmula rin sa mga nursing homes.
Patuloy naman na hinaharap ng mga long-term facilites ang kanilang problema sa kakulangan ng personal protective equipment at COVID-19 testing.