Pinuna ni dating US President Barack Obama ang kasalukuyang presidente ng bansa na si Donald Trump dahil sa paraan umano nito ng pangangasiwa sa coronavirus crisis sa Amerika.
Sa ginawa nitong online address para sa graduation ng mga college students, sinabi ni Obama na nagsilbing daan ang pandemic para ipakita sa buong bansa na karamihan ng mga opisyal nito ay hindi handa sa ganitong sitwasyon.
“More than anything this pandemic has fully, finally torn back the curtain on the idea that so many of the folks in charge know what they’re doing,” wika nito.
Mahigit 1,200 katao ang naitalang nasawi sa buong Estados Unidos sa loob lamang ng isang araw, yan ay ayon sa huling datos na inilabas ng Johns Hopkins University.
Sa ngayon ay pumalo na ng 89, 000 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.
Dagdag pa ni Obama, naging malaki rin umano ang epekto ng outbreak sa black communities sa Amerika.
“A disease like this just spotlights the underlying inequalities and extra burdens that black communities have historically had to deal with in this country,” saad ng dating presidente.