Inaprubahan na ng Philippine Paralympic Committee ang pagkansela sa 10th ASEAN Para Games dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV)
Ito’y matapos irekomenda ng Philippine Sports Commission (PSC) sa naturang komite na makipag-ugnayan sa ASEAN Paralympics Federation na i-reschedule na lamang ang biennial meet sa ibang araw.
Kinansela na rin ng PSC ang mga iba pang sports events na nakatakdang ganapin sa bansa tulad na lamang ng National Sports Summit 2020, Philippine National Games, Children’s Games, Batang Pinoy at iba pang aktibidad.
Ayon kay PSC chairman Butch Ramirez, nagbunsod ang desisyon na ito dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pangalagaan ang kaligtasan ng bawat manlalaro.
Una itong ipinagpaliban noong buwan ng Enero.
Nakatakda namang magtungo sina PPC president Michael Baredo at PSC chairman Butch Ramirez sa Thailand ngayong araw upang ipaliwanag sa ASEAN comittee ang nasabing desisyon.