-- Advertisements --

Inanunsyo ng Shizuoka prefecture na isasara muna nito ang tatlo sa apat na major routes upang makaakyat ang mga bisita sa Mt. Fuji na matatagpuan sa Japan.

Ito’y para raw maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga taong nanaisin na bumisita sa naturang bundok.

Ipagbabawal ang pagpunta sa Mt. Fuji simula Hulyo 10 hanggang Setyembre 10.

“We’re taking this measure so as not to spread the coronavirus,” saad ng isang opisyal mula sa Shizuoka.

Ito ang kauna-unahang beses na isasara ang trail ng 3,776-meter (12,388 foot) volcanic mountain simula noong 1960 nang simulan ng nasabing prefecture na ayusin ang ruta nito.

Halos 236,000 climbers ang nagpunta sa Mt. Fuji noong nakaraang taon base sa official website nito.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Japan ng 16,285 kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 744 na ang nasawi dahil dito.