-- Advertisements --

Ipagbabawal muna sa Indonesia ang tradisyunal na annual exodus kung saan milyon-milyong muslim ang lumalabas at pumapasok ng bansa upang bumisita sa kanilang pamilya para sa selebrasyon ng Eid-al-Fitr.

Ikinakatakot umano ng Indonesian government na baka dahil dito ay mas lalong dumami ang kaso ng coronavirus sa naturang bansa.

Hindi naman malinaw kung paano ipatutupad ang patakaran na ito o kung gaano na kadami ang mga taong nagsimula nang umalis sa bansa matapos mawalan ng trabaho dahil sa virus.

Sa ngayon ay umabot na ng 590 katao ang namamatay sa Indonesia dahil sa COVID-19. Ikalawa ito sa may pinakamataas na death rate sa buong East Asia.

Bawal din muna sa Egypt ang kahit anong aktibidad na may koneksyon sa Ramadan kasama na ang group iftars at charity tables.

Una nang nagbigay ng suhestyon ang World Health Organization (WHO) na maaaring gumamit ng virtual alternatives para sa social at religious gatherings.

Hindi rin papayagan ang month-long Ramadan bazaars sa Malaysia, Brunei at Singapore.

Samantala, papayagan naman sa Pakistan ang congregational prayers sa mga mosque ngunit kinakailangan ng mga sasamba na panatilihin ang two-meters distance sa bawat isa. Hinihikayat din ang mga ito na magdala ng sariling mats.