-- Advertisements --
Ipinagpaliban ng Spanish soceer league ang pagsasagawa ng coronavirus testings sa mga manlalaro.
Sa sulat na ipinadala sa mga clubs, sinabi ng La Liga, na hindi muna nila sisimulan ang pagsusuri sa mga manlalaro, coaches at medical staff hanggang aprubahan ng gobyerno ng Spain ang protocol.
Dahil sa pagkaantala ng coronavirus testing ay tiyak na maantala na rin ang pagsisimula ng ilang mga liga.
Sinabi naman ni La Liga President Javier Tebas, na prioridad pa rin ngayon ng gobyerno nila ang mga mamamayan nila na nadadapuan ng virus.