DAVAO CITY – Tahasang pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Cory Aquino partikular sa kanyang idineklarang land reform program.
Ginawa ito ni Pangulong Duterte kagabi, isang araw matapos gunitain ang ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Cory.
Sa kanyang talumpati kasabay ng pamamahagi ng certificate of land ownership (CLOA) sa mga land reform beneficiaries sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na popular lamang si Cory dahil sa pagkakamatay ng kanyang asawang si dating Sen. Ninoy Aquino III sa kamay umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagdeklara nga si Cory ng land reform sa buong bansa pero hindi isinali ang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Kaya inihayag ni Pangulong Duterte na “inconsistent” ito sa kanyang pagpapalaya sa mga Pilipino mula sa diktadurya.
“Itong kay Cory Aquino ganito ‘yan. Cory Aquino may be popular. She is popular today. Why? For losing the husband in the hands of Mr. Marcos. But what is the fundamental reason why… Someday, ‘pag 30 years from now, we may try to balance history,” ani Pangulong Duterte.
“Because Aquino declared land reform for the entire Philippines but exempted Doña Luisita, her own land. To the many — to those who really wanted to be freed from Marcos, that’s another feeling, maybe of gratitude.”