-- Advertisements --

Pumanaw na si Valery Vladimirovich Polyakov ang cosmonaut na may hawak na record na may pinakamatagal na pananatili sa kalawakan sa edad nito na 80.

Isinilang noong Abril 27, 1942 ang Russian cosmonaut ay nanirahan at nagtrabaho sa kalawakan sa loob ng 437 araw sa isang biyahe lamang.

Umikot sa mundo ito lulan ng Mir space station ng mahigit 7,000 beses sa pagitan ng Enero 8, 1994 hanggang Marso 22, 1995.

Sa kaniyang buong career ay dalawang beses itong nagsagawa ng space expedition na mayroong kabuuang 678 araw at 16 n oras.

Ayon sa Roscosmos na ang kaniyang research ay tumulong para mapatunayan na ang katawan ng isang tao ay handa sa paglipad hindi lamang para sa malapit sa orbit ng mundo.

Nagsanay din si Polyakov bilang physician at sumali sa Institute of Biomedical Problems sa Moscow noong 1971.

Matapos ang isang taon ay pumasa siya sa pagsusulit at naging kauna-unang doctor-cosmonaut trainees mula sa nasabing institute.

Unang mission nito sa kalawakan ay noong 1988 at nakabalik sa mundo noong 1989 matapos ang walong buwan at sa taon din iyon ay itinalaga siya bilang deputy director of institute of Biomedical Problems.