-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Ginulantang nang pagsabog dakong alas-9:35 kagabi ang syudad ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato City police director, P/Col. Michael Lebanan, isang granada ang sumabog sa LR Sebastian Street sa lungsod ng Cotabato na inihagis umano ng dalawang suspeks na lulan sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa ilang mga sibilyan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa nangyaring insidente.