-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Ligtas pa rin at polio free ang lungsod ng Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon.

Una ng napaulat na naisugod ang tatlong buwang sanggol na pinaniniwalaang dinapuan ng poliomylitis dahil sa lagnat at pagka-paralisa ng isang binti nito.

Sinabi ni Dr Patadon na hinihintay na lamang nila ang resulta ng laboratory test mula sa kinuhang specimen sa sanggol.

Hanggang walang nailabas na resulta sa laboratory test ay hindi pa maikukunsiderang polio ang kumapit na sakit sa sanggol.

Walang gamot sa polio virus ngunit maiiwasan naman ito sa pamamagitan ng vaccination.

Nanawagan si Patadon sa mga magulang na huwag mabahala at sa halip ay agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital o health center para sa oral polio vaccine sa mga bata na may edad limang taon pababa.

Nakatakda namang magsasagawa ng mass immunization campaign ang City Health Office sa lungsod ng Cotabato.